Monday, November 23, 2015

Colorum Hulihan Diaries

If you live in Cavite area, more or less (or maybe daily) you have already ridden a colorum vehicle – either bus, jeepney, or vans.  No matter how good a Filipino citizen we want to become and not patronize illegal (because colorums are illegal) there will be a time you will because of a lot of reasons – convenience is one of them.

Now, I admit to be commuting to work most of the time, lately through a colorum vehicle.   And there are a lot of times that these colorum vehicles will have their own unlucky day and be caught by authorities (LTO, LTFRB, TMO, etc.).  Let me recount to you the times I was unlucky enough to be riding in one of those vehicles.


Hindi pa nakakadalawang ikot ang gulong.
Isa ako sa pinakaunang pasahero ng van at dahil hindi aandar ang van ng hindi puno, nagantay ako ng 20-30 minutes.  Nang mapuno ang van at ready ng umalis, hindi pa nakakadalawang ikot ang gulong ng colorum na van, hinarang na ng LTO.  Inutusan kaming mga pasaherong bumaba ng van.  Nang tanungin kung san kami sasakay na, patay malisya si kuyang LTO personnel.  Ang Ending: Hinuli si kuyang driver at kinuha ang lisensya nya.

Ang suhulan
Habang binabaybay ang kalsada, pinara ang colorum na van ni kuyang TMO.  Konting usap, konting daldal, para hindi na daw maabala ang lahat, natapos sa Php3oo na suhulan.  (Palagi itong nangyayari sa king sinasakyan).  Ang Ending:  tuloy sa byahe minus lang ng Php3oo sa kita.

Ang Sermon
Habang binabaybay ang kalsada, pinara ang colorum na van ni kuyang TMO.  Hiningi ang lisensya ni kuyang driver ng colorum na van.  Walang maibigay na lisensya si kuyang driver dahil nahuli na sya at traffic violation ticket na lang ang meron sya.  Tinawag ni kuyang TMO ang head office nila.  Si kuyang Head Officer ng TMO nag simulang magsermon kay kuyang driver.  Nagsimula ang sermon sa tamang hangaring makapaghatid ng pasehero sa lugar na pupuntahan pero maling pamamaraan napagitnaan ng sermon sa mga aksidenteng hindi sinasagot ng insurance dahil colorum at natapos ang sermon sa pagpapaubaya at hindi paghuli pero sa susunod  na mahuli ay iimpound na.  Ang parting words ni kuyang Head Officer ng TMO:  matigas ako magsalita dahil Batangueno ako, pero pusong mamon talaga ako.  Ang Ending:  pinaalis kami ni kuyang TMO para ihatid ang pasahero sa dapat puntahan pero dapat gumarahe na pagkatapos.

The Chase
Gamit ang two-way radio, nabalaan na si kuyang driver ng colorum na van na may operasyon ang lto o ltfrb sa Macapagal Blvd.  Pagdating ng Macapagal Blvd, pinara ng LTFRB personnel ang colorum na van, hindi naisip ni kuyang driver na tumigil, kundi pinabilisan ang takbo, zumigzag sa mga posteng ginagawa para sa NAIA flyover, nagcounterflow, umikot pabalik ng Coastal-Cavitex at naabutan ng humahabol at nagwawangwang na LTFRB mobile sa may traffic light.  Hindi ko na nalaman ang ending dahil bumaba na ako sa inis kay kuyang driver – malamang maimpound ang colorum na van at makasuhan si kuyang driver sa dami ng traffic violations nya.

The Legal Franchise
Habang binabaybay ang kalsada, pinara ng TMO ang van.  Hiningi ang papeles ng UV Express.  Binigay ni kuyang driver.  Chineck ni kuyang TMO – kompleto at malinis ang papeles.  Ang Ending:  viola!  Tuloy ang byahe.

The moral of all my stories and experiences is to ride only on vehicles that are not colorum and has complete and clean franchise – if that kind of vehicle is available. 


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...